Tungkol sa Aklat

 

Hinabi ang mapangahas na romansa ni Liz, ang maghuhurno, sa konteksto ng himagsikan ng Katipunan 1896, batas militar ng dekada ’70, Covid-19, syzygy at pambansang halalan ng 2022.

Tinasa ang mga kontradiksyon at tinuos ang mga negosasyon sa mga ibat-ibang antas ng pag-ibig: karnal, bawal, may usaping  pera, transaksyonal, at ispiritwal, dalisay, banal.

Hinurno ang lahat na may pagkahalintulad sa bibingka, may apoy na sa ilalim, may apoy pa sa ibabaw, hanggang sa mabuo ang wasak na pagkatao na may dangal.

Tinalakay ang pagsinta, pagnanasa at sekswalidad sa feministang pananaw at punto de bista ng isang babaeng lagpas na sa edad 60.

 


Comments

Popular Posts