Makapangyarihan na Mga Babae ang Kasabayan ko sa 8Letters


 Kasabayan kong naglunsad aklat si Bb. Criselda Yabes, na sumulat ng A Hundred Reasons Why (nobela tunkol sa unang pag-ibig) at sa akin naman ay Ang Maghuhurno (nobela tungkol sa bawal na pag-ibig sa panahon ng covid-19), noong 19 Pebrero 2023 sa FB Page ng 8Letters, sa segment na Book Talk with Cindy, hosted ni Criselda Santos. Mapapanood din sa YouTube channel ng 8Letters.

Makalipas ang ilang araw ay naglunsad aklat din si Bb. Alma Anonas-Carpio ng kaniyang nobela na erotic-mythological, How to Tame Your Tikbalang Without Even Trying

Bukod sa mga nobelista ay mga journalists din sila Bb. Yabes and Bb. Carpio. Ako naman ay naging feature writer din noon sa Focus Philippines (1979), HomeLife Magazine (1980-2005), Philippine Panorama (2010-2015), at Health & Lifestyle (2010-2015).

Kasiyahan at karangalan kong maihanay ang aking kuwento sa kanilang mga obra.

Mabibili ang aming mga aklat na nabanggit  sa website ng 8Letters at sa Shopee.

Comments

Popular Posts