Mga Papuri

 

Disenyo: Criselda Santos

Maganda at nakakaaliw.     

 Romulo P. Baquiran Jr.

Propesor sa Kolehiyo ng Sining at Letra, University of the Philippines-Diliman

 ***

 

Dahil bibihira ang nobelang mula sa ganitong punto de bista, masasabing ang pagsesentro ng kuwento sa ganitong tauhan ay tulad rin ng pagpili sa bibingkang iniluluto pa rin nang may apoy sa ibabaw at ilalim, palaging may hatid na panatag sa lamig ng Disyembre at pagtatapos ng taon.     

 Joi Barrios

Propesor ng Filipino at Philippine Literature sa University of California-Berkeley

 ***


Disenyo: Criselda Santos
Ang nobela ay isang maligayang paglalakbay ng mga sensibilidad— paningin, pandama, pang-amoy, pandinig, panlasa, at rurok ng imahinasyon sa larangan ng pagsinta. Ito ang natuklasan ko nang binasa ko Ang Maghuhurno. Humanga ako sa pag-arok ng kamalayan ng mga tauhang umibig at nagparaya, pinagtaksilan at nakipaglaban, pinagtaksilan at nagpatawad, inibig at nagpaubaya.  Lahat sila ay nakarating sa dalampasigan nang buo ang pagkatao, at may kaligtasan.    

 Ysabel San Pedro Schuld

Makata, Banker sa Wells Fargo- Portland, Oregon USA

 

Comments

Popular Posts