Bakit Ang Maghuhurno ang Pamagat ng Nobela?
Disenyo: Criselda Santos
Naging inspirasyon sa pagpili ng pamagat ng nobelang ito ang mga tala sa kasaysayan ng pinakakilalang Historiyador ng ating bansa sa kasalukuyan, si Prof. Ambeth Ocampo.
Nabanggit ni Prof. Ocampo ng maraming pakakataon sa mga sinulat niya sa Philippine Daily Inquirer, ang tungkol sa "bibingkera ng presidente" noong 1898. Ang unang pangulo ng ating republika ay mahilig sa kakanin.
Noong 12 Hunyo 1898, matapos ideklara ng Pangulong Emilio Aguinaldo ang kasarinlan ng Pilipinas mula sa koloniyalistang bansa ng Spain, inihanda sa merienda cena ang bibingka.
Noon lamang nakaraang taon 2021, itinanghal ang bibingka bilang pang-13 sa mga pinakamasarap na cakes sa buong daigdig.
Sa nobela, ang pangunahing tauhan na si Liz (Maria Eliza Virata) ay pang-apat na henerasyong apo ng mahusay na bibingkera ng Kawit sa Cavite.
Sa nobela, si Liz na siyang Maghuhurno (Baker) ay nananahan na sa Silang Cavite, sa romantiko at matulaing Verona, isang European (Venician) themed na subdibisyon sa kahabaan ng Santa Rosa-Tagaytay, kilala bilang lungsod ng pag-ibig o La Citta Di Amore.
Minana ni Liz ang sinaunang resipe ng bibingka mula sa kaniyang Lola, pati na rin ang bahid ng pagtataksil sa prinsipyo ng Himagsikan 1896 at pagiging kasabwat. Sa una ay sa pangkat Magdiwang ni Andres Bonifacio (tinaguriang ama ng himagsikan) kasapi ang Lola ni Liz. Ngunit kinalaunan, lumipat sa pangkat ng Magdalo ni Aguinaldo at naging opisyal na tagapagluto ng bibingka.
Comments
Post a Comment