Mapangahas na Nobela


Isang mapangahas na nobela ito, Ang Maghuhurno ni Cymbeline Villamin.

Tinalakay ang bawal na pag-ibig, usaping LGBTQ, pagtataksil ng unang pangulo ng republika, pagmamalabis sa panahon ng batas militar, katiwalian sa panahon ng pandemia, kahina-hinalang resulta ng pambansang halalan.

Alalahanin na ang lahat nang ito ay dapat ituring na kathang-isip lamang at hindi totoo: FICTION.

Responsibilidad ng isang kuwentista na maghatid ng metaphysical truth. At hindi dapat ikubli ang mga tala ng kasaysayan.

Malaki ang itinataya ng isang nobelista sa pagsusulat-- pangalan ng kaniyang angkan, sariling dangal, kapayapaan, kaligtasan.

Katulad ng pabubuwis ng buhay ng isang babae sa pagsisilang ng kaniyang pinakamamahal na sanggol, ang nobelista ay nag-aalay din ng sakripisyo sa  pagbuo ng kuwento.

Para sa ano ang sakripisyo? Upang mag-ambag sa ikauunlad ng karunungan, ikalalawak-ikatatayog-ikalalalim ng kamalayan ng mga indibiduwal at lahi.

Samakatuwid, pahalagahan ang Kuwentista na hindi nag-atubuli na hayaang bumulwak ang kaniyang mga bituka at laman-loob ; maghubad at malantad ang mga sugat at pilat ng kaniyang kaluluwa.

Tanging hiling na kapalit: PAG-GALANG, RESPETO.

Comments

Popular Posts