Cymbeline R. Villamin : May-akda

Concept: Cindy Wong / 8Letters

Isa akong Kuwentista. Hindi ko maisip kung ano ang buhay ko kung hindi ako nagsusulat. Sa edad 12, alam ko na ako ay isang Manunulat nang mapuno ko ng tula sa wikang Inggles ang isang paper pad na may 100 pahina. Sayang at hindi ko naingatan. Naiwan sa bahay ng yumao kong Lola sa Otis, Paco, kasama ng mga talaarawan at personal journals, mga liham ng aking ina (pen pals kami dati).

Isang koleksyon ng mga kuwento ng pag-ibig, Putik sa Tag-ulan at mga iba pang Kuwento ang ililimbag na sana ng St. Paul Publications, ngunit hindi natuloy. Mga kuwento ito na nailathala sa HomeLife at Liwayway (1980-1995). Hindi ko na convert sa digital format at nawala na ang mga kopya sa kakalipat namin ng bahay.

Dalawang obra, Christian Writings at Precious in His Eyes, parehong CNF (Creative Non Fiction) ang self-published ko sa Amazon-Kindle Direct Publishing. Paperback ang mga ito at may ebook version din.

Pinaka mahalaga sa akin ang aking nobela, Ang Maghuhurno, na inilimbag ng 8Letters ngayong Marso 2023, sa pagpapala ng Dakilang Lumikha. Sa ngayon, tunay na nag-uumapaw ang aking kopa.








 

Comments

Popular Posts