Excerpts

      

Pabalat na Disenyo:
Criselda Santos
      “OMG, it’s a miracle!,” bulalas ni Liz, nang nagda-drive na si Enzo.

     “Ano ka ba naman Liz? Hindi ka ba bilib sa asawa mo?”

     “Eh kasi sabi mo may phobia ka sa driving kasi nabangga mo dati kotse ni Tatay!”

     “Tagal na nun.”

     “Wow Enzo, ang galing mo!”

     “Siyempre, kaya ka nga patay sa ’kin eh.”

     “Excuse me, hindi kita crush noon, ah, wala lang ako magawa, napilitan lang ako.”

     “Kaya pala naging anorexic ka.”

     “Ang lupit mo ha. Oo nga para na akong kalansay noon. Ikaw naman naglalakad sa lakas ng ulan, lasing. Kawawa naman, sawi.”

     “Ikaw ang malupit. Tatlong oras kitang hinihintay sa main gate ng FEU. Nasa library ka lang pala, hindi ka lumalabas. Alam mo naman na naghihintay ako. Tapos nakita mo na pala ako, hindi mo man lang ako tinawag o hinabol, ang bagal na nga ng lakad ko, nagbabaka-sakaling may tatapik sa likod ko o tatawag ng “Enzo!” Wala. Nandoon ka naman pala. Ang sama mo. Natiis mo ako. Pero wala ‘yun. Mahal naman kita eh.”

***


     Kinabukasan, ibinalita sa media ang pagpoproklama ni Pangulong Duterte ng total lockdown sa buong bansa dahil sa patuloy at mabilis na pagdami ng kaso ng Covid-19, hindi lang sa Pilipinas kundi sa buong daigdig. Idineklara na ito bilang pandemic ng WHO. Sa sumunod na mga araw, lugmok ang ekonomiya maski na ng mayayamang bansa tulad ng Amerika, mga bansa sa Europa, Gitnang Silangan, at Asia.

Disenyo: Criselda Santos

     Iniulat na nagmula ang virus sa isang palengke sa Wuhan. May nagsasabi naman na sinadyang pinakawalan ang virus sa laboratorio sa China upang itumba ang world economy at ang China ang maging world power. Milyong tao ang nawalan ng trabaho, natakot, nawalan ng pag-asa. 

Kalunos-lunos ang naganap sa Italia kung saan halos lipulin ang lahat ng mga matatanda. Namatay lahat dahil sa corona virus. Ganun din sa India. Umaapaw ang mga bangkay sa ilog ng Ganges. Hindi kaagad ma-cremate sa dami. Ang mga nakasarang supermarts ay pinilit buksan ng mga naguguton at desperadong mga mamamayan, nagnakaw ng mga de-lata, tinapay, sanitizers, toilet paper rolls, detergent, bath soap, toothpaste, infant formula, kape, asukal, noodles, bigas, mantika, asin.

***

     

Design by Cindy Wong


Design by Cindy Wong

Comments

Popular Posts