Gabay sa Pagbasa ng Nobela
1. Ano ang ibig sabihin ng Maghuhurno? Bakit ito ang pamagat ng nobela?
Baker
ang katumbas sa Inggles ng Maghuhurno. Puwede ring Hurnera. Ibig sabihin, gumagawa ng cake sa
pamamagitan ng pagluluto sa pugon o oven, isang kulob na lutuan kung
saan ang init ay nakakulong at paikot-ikot.
2. Ano ang paksa ng nobela?
Ang nobela ay tungkol sa pagsinta sa
pagitan ng babae at lalaki na magsing-irog, pagmamahal sa bayan, at pag-ibig sa
Dios. Tungkol din sa pagtataksil, pagsisisi, pagpapatawad, at pagpapatuloy sa
buhay.
Inungkat ang pagtataksil sa Dios na
naganap sa Eden nang ang mga unang nilalang ay sumuway sa utos, nang magtaksil
si Aguinaldo sa prinsipyo ng Himagsikan, ang diktadura noong dekada ’70, at
pagtataksil ng mga pangunahing tauhan sa kani-kaniyang kabiyak at katipan.
Mapangahas ang nobela sa pagtalakay
ng bawal na pag-ibig at pag-ibig na transaksyonal o may usaping salapi,
pagnanasa, seksuwalidad, usaping LGBTQ+, mga usaping politikal, feministang
ideolohiya, at doktrina na hindi laging ayon sa organisadong relihiyon.
5. Paanong ang nobelang ito ay angkop basahin ng mga mag-aaral ng Literatura sa senior high school?
Ang mga kabataan ay matalino, mulat, mapanuri, at siyempre,
mapusok sa pagtuklas ng sariling mga
landas at pamamaraan sa buhay. Makikita nila ang kanilang mga sarili sa panahon
ng kabataan ng mga tauhan na sila Liz at Enzo, hanggang sa sila ay tumanda na;
paano ituwid ang mga kamalian, magpatawad, at patawarin ang sarili.
Higit na mahahasa ang matalas na pakiramdam at kakayahang magsuri ng at magbigay puna sa mga akda tungo sa higit pang ikauunlad ng Panitikang Filipino at malikhaing pagsulat.
Comments
Post a Comment